emo kid
Posted by hydrophilia at 11:40 PM on August 27, 2004.
Naranasan mo na bang sabihan ka ng “darating rin yung mas babagay sayo” ng minamahal mo?
Bullshit di ba?
Ive been depriving myself from crying these past few days. Ive been really sad pero at the same time, trying to be brave. Ang hirap pala. Lalo na kung gus2 mo ng umiyak pero kahit anong gawin mo hindi mo magawa. Sabi ng mga kaibigan ko, buti naman at di na ako umiyak ngayon. Inisip ko 2loy, di naman sukatan ang dami ng patak ng luha kung gano mo kamahal ang isang tao e, o kaya naman, di dahil sa hindi ka umiiyak, di ka na nalulungkot. Nalulungkot kasi ako ngayon, lalo na tuwing naiisip kong di na pala kami. Ayokong masampal sa mukha ng katotohanang iyon. Namimiss ko nga siya.
OO nga, mahal ko pa ata siya. Tama nga siya, makakahanap din ako ng iba, di ko siya kailangan dahil nakatayo ako ng 19 taon na wala siya, dalawang buwan lang naman siya naging parte ng buhay ko. Mahal ko ang sarili ko.
Pero mahal ko pa siya.
Ngayon di kami naguusap, di naman sa hindi ako sanay, dahil dati rin naman di kami gaano nakakapag usap. Pero ngayon, nandun na yung karagdagang linya na “hindi na kami”.
Magkaibigan pa rin naman kami. Nanghihinayang nga lang ako sa nasimulan namin. Kaibigan ko na rin naman kasi ang mga kaibigan niya. At di ko maikakaila na kahit papaano ay parte na rin sila ng buhay ko. Alam ko naman na magkikita rin ulit kami. Gusto ko na rin siyang makita.
Minsan ayoko na magmahal. Kaya lang alam ko rin naming dadating at dadating yun e. Pero alam niyo, kung magmamahal man ulit ako, baka mangibabaw muna ang takot.
Sana kung mabasa man niya ito, gusto ko lang malaman niya na mahal ko pa rin siya. Na sana ay di niya ako iwasan sa proseso ng pagpapagaling niya sa sugat na tinamo rin sa akin. Gusto ko talaga siyang makita, maski bilang kaibigan lang ulit. Malay natin, bumalik ulit. Ayan na naman, umaasa na naman ako. Yun din kasi ang hirap sa akin, mataas ang pag-asa ko. Pag-asa na minsan napupunta sa wala.
O siya, ang drama na ba? Hahaha… maski ako natatawa sa sarili ko pag nalulungkot at nagdrdrama ako. Mahal ko ang taong kaiba ng ugali ko, taong minsan ay nagpapalungkot sa akin. Pero ganun naman ata talaga pag nagmamahal, may kasamang sakripisyo, pagiintindi, katibayan ng loob at kumpromiso. Napaka-weird nga at ang isang taong mahina tulad ko ay nagagawa iyon, mahal ko nga ata talaga siya. ang ironic talaga.