Para kay jhen
Posted by hydrophilia at 02:33 PM on September 7, 2004.
Minsan talaga ang mga tao magulo ang utak. Kung kelan nandyan ang taong magmamahal sayo ng lubos, dun pa sila lalayo. Ewan ko ba. Mahirap na pala magtiwala ngayon, kasi kadalasan kung sino pa yung huling huling tao na akala mo ay di magsisinungaling sayo ay siya pa palang sasaksak sa yo sa likod. Kung sino pa yung taong akala mo ay hindi ka lolokohin ang loloko sa iyo. at kung sino pa yung taong akala mo ay makakasama mo habambuhay ang sisira ng pangarap mo.
Masakit yun. Sobra, maraming kasing tao ngayon ang di mo maintindihan. Kung bakit pa kailangang magsinungaling para lang matago ang kanilang kakulangan. Na may mga taong natatakot kang saktan pero sa huli, ang di pagsasabi ng katotohanan sa iyo ang pinakamasakit sa lahat, mas masakit pa kesa kung sinabi niya sa iyo ang totoo.
Mahirap maghanap at mahanap ng taong magmamahal sa iyo ng lubos. Nakakapagod. Minsan nakakatakot na rin.
Bayaan na lang natin sila. Malamang di pa talaga sila marunong magpahalaga. Sadyang ganun ang tao. Akala mo alam na ang lahat, akala mo magaling na sa mga bagay bagay. Muli maraming namamatay sa mga akala.
Mahirap maging matapang sa mga panahong ito. Mahirap ngumiti at tumawa kung alam mong sa loob mo ay nasasaktan ka. Masarap sumuko sa mga makamundong bisyo. Masarap saktan ang sarili upang maging manhid sa nararamdaman sa loob mo. Kasi kadalasan ang galit, lungkot, pighati, ay mas mahirap pakisamahan kesa sa mga sugat na natatamo ng makamundong katawan.
Masarap umasa sa pagmamahal. Lalo na kung nasa rurok pa ito ng kaligayahan. Wag na tayong umasa muli. Tandaan mo, ang taong mahal mo, ang siya ring pinakamatindi mong kaaway sa dulo.
Ang hirap pala talaga.
"Love causes sorrow, love causes fear, those who are separated from love, have no sorrow and no fear." -ancient taoist proverb carved in an ancient tablet