langit
Posted by hydrophilia at 07:26 PM on August 26, 2004.
Ano ang saysay ng buhay, minsan itoy nakakatamad na.
Masaya, malungkot, galit, pagmamahal, ewan ko, naguguluhan talaga ako…
Masaya pa rin ako at nakikiayaon na naman ang langit sa akin.
Masarap lumipad minsan. Gusto kong maramdaman na hinahangin at hinahawi ang aking damit. Gusto kong maramdaman na bumubulong ito sa akin. Gusto kong yakapin niya ang kaluluwa ko.
Masarap maglaro sa ulan. Napag isipan ko ito kanina.
Masarap magkubli dito. Magpapakasasa ako at magtatampisaw. Nganganga ako at titikman ang malamig nitong mga patak. Nawa’y mahupa nito ang silab ng loob ko.
Masarap magpanggap sa ilalim ng ulan, tatawa ako, para kahit na tumutulo ang luha ko, di mahahalata ng ibang tao. Magmimistula akong musmos na naglalaro lamang.
Nahihirapan ako, minsan parang masarap na lang maglaho ng parang bula. Para paggising mo, wala ka ng aalalahanin.
Minsan masarap magpakasasa sa sakit, para pag nagging manhid ka na, di mo na ito mararamdaman. Kaya lang marupok ata talaga ako. Minsan tuloy ayoko ng maging ako. Akala ko kaya ko, hindi nga ako umiyak, kaya lang, hindi lang naman sa pagiyak makikita ang pagkalungkot ng isang tao. Kahit kalian di ko talaga kayang ikubli ang nararamdaman ko.
Masaya pa rin ako at nakikiayon ang langit sa akin.