bioluminescent

About Me

nothing's crueler than the passing of time... don't blink
your name:

url:

your message:

October 15th, 2004

weird thoughts weird dreams weird day

Posted by hydrophilia at 08:33 AM on October 15, 2004.

so its my 1st day to work under the histopathology section... at ok naman, buti na lang mababait ung mga kasama ko sa section (choi, cleah, salamat! ) uhh, 3 lang kami kaya medyo toxic this day. may na-receive nga kami na cadaver ng baby from pedia ward e. kawawa naman kasi black and blue na ung color nung baby, tapos yakap yakap pa rin and hinahalikan pa rin cya ng parents niya. pero nakakakilabot pala talaga lalo na nung inilalagay na cla sa giant ref ng mga dead people. hehehe... kasi naman tabi tabi sila dun siksikan sa morgue... o well... tapos ayun regular lang naman ung work, parang world citi rin minus the paraffin dispenser and the big lab.
after my hospital duty, diretso world citi ako as usual... ayun lahat cla sabi e WASTED daw nako. OMFG, do i look that wasted... kaya ayun i went home early and i slept mga 7 pm... hehehe ang aga no.
tapos ayun dami nga nag miscol at nagtxt na di ko nasagot kasi la din naman akong load e... hehehe, nagiipon ako e. tapos ayun, nagka weird dream ako, uh nasa biyahe daw ako, tapos when i wsa along katipunan area ata yun, may mga malalaking truck tapos ewan ko ba, parang nagcollapse silang lahat, tapos nahulog cla sa mga jeepney na dumadaan, tapos sobrang daming tao daw ung namatay... hehehe, ung bodies daw nila na chop chop. kakatakot nga e. tapos naging safe daw kasmi ng family ko dun sa tragedy na yun, and after that we like went to a movie house ata, pero inside ung screen ng theater e nasa gitna, and parang ung mga upuan dun parang nasa amphitheater kasi magkakaharap kayo. tapos weird rin kasi it was raining inside... hehehe... gulo no... o well, nag creep out kaya ako pagkagising ko lalo na dun sa freak accident na dream, hahaha...
ahhh yun nga pala hinulaan ako nung staff namin sa palad, sabi niya ill go to 3 diff countries. isa dun babalikan ko twice. uh, magastos daw ako, pero ok lang kasi maganda naman daw ung buhos ng pera. tapos sabi niya am not sure pa daw kung san ako papunta (she means my plans in life). at anim daw ang mamahalin ko (hmmm i wonder who those are... weird kasi may 8 ex's na ako...)
o well...
Currently feeling: crappy

1 cat got ur tongue?

October 2nd, 2004

new hospital

Posted by hydrophilia at 10:31 AM on October 2, 2004.

ugh... im really fucked up sa new hospital assignment ko.
i really hate to be rude and maarte (as if), but tangina talaga, ang jologs ng bagong hospital. no stocks of reagent, send out ung CBC, ang sungit at matatatanda ang staff, new adjustments sa mga co-interns, basta, wwwaayyy down the drain ang rating ng hospital na ito. un lang nga malaki talaga ung grounds nila. and ung lab nila is big as in big talaga. pero whats the use of size when its "semi-functional" lang? oh well... i really miss my co-interns and staff sa world citi...

hahaha... nag iiyakan nga nung last day. at syempre nag-ssmugle na kami ng "goods" for our future use... hehehe...

sooo damn busy din. 24 hours pa ako bukas... asar talaga. may date pa naman ako. oh well, ganun talaga ang buhay...

hehehe movie marathon muna ako. tata'

meow

September 7th, 2004

Para kay jhen

Posted by hydrophilia at 02:33 PM on September 7, 2004.

Minsan talaga ang mga tao magulo ang utak. Kung kelan nandyan ang taong magmamahal sayo ng lubos, dun pa sila lalayo. Ewan ko ba. Mahirap na pala magtiwala ngayon, kasi kadalasan kung sino pa yung huling huling tao na akala mo ay di magsisinungaling sayo ay siya pa palang sasaksak sa yo sa likod. Kung sino pa yung taong akala mo ay hindi ka lolokohin ang loloko sa iyo. at kung sino pa yung taong akala mo ay makakasama mo habambuhay ang sisira ng pangarap mo.

Masakit yun. Sobra, maraming kasing tao ngayon ang di mo maintindihan. Kung bakit pa kailangang magsinungaling para lang matago ang kanilang kakulangan. Na may mga taong natatakot kang saktan pero sa huli, ang di pagsasabi ng katotohanan sa iyo ang pinakamasakit sa lahat, mas masakit pa kesa kung sinabi niya sa iyo ang totoo.

Mahirap maghanap at mahanap ng taong magmamahal sa iyo ng lubos. Nakakapagod. Minsan nakakatakot na rin.

Bayaan na lang natin sila. Malamang di pa talaga sila marunong magpahalaga. Sadyang ganun ang tao. Akala mo alam na ang lahat, akala mo magaling na sa mga bagay bagay. Muli maraming namamatay sa mga akala.

Mahirap maging matapang sa mga panahong ito. Mahirap ngumiti at tumawa kung alam mong sa loob mo ay nasasaktan ka. Masarap sumuko sa mga makamundong bisyo. Masarap saktan ang sarili upang maging manhid sa nararamdaman sa loob mo. Kasi kadalasan ang galit, lungkot, pighati, ay mas mahirap pakisamahan kesa sa mga sugat na natatamo ng makamundong katawan.

Masarap umasa sa pagmamahal. Lalo na kung nasa rurok pa ito ng kaligayahan. Wag na tayong umasa muli. Tandaan mo, ang taong mahal mo, ang siya ring pinakamatindi mong kaaway sa dulo.

Ang hirap pala talaga.


"Love causes sorrow, love causes fear, those who are separated from love, have no sorrow and no fear." -ancient taoist proverb carved in an ancient tablet
Currently feeling: numb

1 cat got ur tongue?

August 30th, 2004

...

Posted by hydrophilia at 12:15 PM on August 30, 2004.

the one who has hope is starting to lose himself...

meow

August 28th, 2004

ill never get over you getting over me

Posted by hydrophilia at 09:43 PM on August 28, 2004.

LSS na naman ako...
nakakarelate din ako kahit papaano. sigh.


I hear you're taking the town again
Having a good time
With all your good time friends
I don't think that you think of me
You're on your own now and I'm alone and free
I know that I should get on with my life
But a life lived without you could never be right

As long as the stars shine down from the heavens
Long as the rivers run to the sea
I'll never get over you getting over me

I try to smile so the hurt wont show
Tell everybody I was glad to see you go
But the tears just won't go away
Loneliness found me, looks like its here to stay
I know that I ought to find someone new
But all I find is myself always thinking of you

As long as the stars shine down from the heavens
Long as the rivers run to the sea
I'll never get over you getting over me

Oh, no matter what I do
Each nights a lifetime to live through
I cant go on like this, I need your touch
You're the only one I'll ever love

And as long as the stars shine down from the heavens
Long as the rivers run to the sea
I'll never get over you getting over me

I'll never get over you getting over
I'll never get over you getting over
I'll never get over you getting over me

meow

« Newer | »